Saturday, July 25, 2009

FJ NA SI AKO

Sampung minuto pasado alas y singko kaninang umaga ay gising na ako. Maghahanda na para sa susunod na lipad - DAM (city code ng Damascus, Syria)EY 541&542/ 25Jul09. Maraming nagsasabi mahirap daw gawin ito. Sa palagay ko, tama sila dahil hindi papapalitan nung orihinal na FJ ang flight niya kung madali lang itong ilipad. Napalitan kasi ang MCT (Muscat) ko na dapat ay gagawin ko ng Hulyo 24-25. Ako daw ang pinaka-bata sa pangkat sabi ni code BB ng Operations Control Center namin kaya tinanggal niya ko sa lipad. Nag-apologize pa nga.

Nagkamali pa nga ako ng kalkulasyon sa pick-up time ko. Shit! Ang oras na nabanggit ko ay mismong sundo ko!!!Mag-uumagahan pa nga sana ako ng natira naming hapunan ni Gummy Bears (ang walang kamatayang ground beef omelette, bacon at hot milk) ngunit hindi ko na nagawa. Matapos kumpirmahin sa Transport Department namin na may natitira pa akong 20 minuto, (mabuti na lamang at Airbus 320, 1hour 20mins before departure time ang briefing) halah walah diretso sa banyo,ligo, lotion, bihis , suklay, pony tail,Dipitty Doo gel, hair net, clip, isa pang clip, at isa pa sa Sarah Geronimo hairstyle, sabay ribbon sa bun, panyo sa likod, stockings, coat. Naku hindi ko mawari kung pano ko ngawa ng labing-limang minuto lahat yun! Wala nga lang umagahan kundi yung hot milk na binaon ko na lang para laman-tiyan. Sa ibaba na lang ng building ako nagpinta ng mukha at natapos ko naman bago pa man dumating ang bus.

Sa airport...

Maayos naman ang flow ng briefing. Nasagot ko naman lahat ang SEP at aviation health questions na ibinato sa akin. Ayon sa mapanlinlang na booking load, dalawa lang daw ang business class (Pearl Zone, kung san ako magtatrabaho) at labing-isa pabalik. Nakakagulat lang nang magpakilala na ang mga taga-pagpalipad namin. May S/O (Second Officer) na produkto ng EY Academy na nasa training flight niya at astig na babaeng F/O! Kinontrata ko na siya (Isma ang babaeng F/O) bago pa man kami nag-board sa eroplano para sa isang larawan sa kadahilanang siya ang una kong pilotong babae. Pumayag naman siya. Yikee!

Unang galley ko ito sa medium haul flight at as FJ. Challenging dahil overbooked sa likod at kinailangang mag-upgrade para maisakay ang siyam pang sobra sa Economy Class (Coral Zone). Napagtanto ko na nung sinabi ng caterer na catered ako for full. Nyak!

Sinasabi ko sayo, nag-ala-Darna at Superwoman kami ng cabin manager ko sa dalawang sectors na ginawa namin. Bigay ng menu card, kuha meal order, bigay dvd, lakad dito, lakad doon, hila dito, tulak doon, buhat container, balik, napaso, nagtapon ng rubbish, linen, tray, coffee, tea (Oolong, Earl Grey, Royal Breakfast, Shenzen Green Tea), croissant, pan au chocolat, nagplate, nag-heat, nag-serve, nag-clear, nagbigay ng hot towel, nag-respond sa request, ah basta lahat na ng pwedeng gawin sa dalawang oras at kalahating paglipad. Kumplikado ang proseso pero sa pagkakataong magamay mo na, ok na lahat. Mabuti na lamang at EI-Z(plane tail) ang gamit namin. Thank you Lord dahil po training yun para sa'kin.

Isang buong araw na naman ang lumipas. Pagod, masakit ang likod at ang mga paa, hilo sa turbulence pero para sakin lumilipas naman lahat yan basta makita ko ang mga pinagsisilbihan ko na masaya at mga nakangiti pagkakababa nila mula sa sasakyang pang-himpapawid namin. Salamat na naman sa Diyos sa isang napakagandang oportunidad na binigay niya sakin. Fulfilling maging isang cabin crew. Sabi nga sa commercial ng Mcdo, "Love ko 'to" at love ko talga ang trabaho ko!





My first ever lady pilot, Isma.Makakaligtas ba siya sa camera ko?Nag-ayos na yan ng buhok bago pa mag-click si Susan.heee


Nakita na 'to si OshKosh... Ampogi ng S/O namin! Galing yan EY Academy!


Weeee!!! Mi Cabin Manager, Hellen Meyerhof... Para kaming hindi mga napagod. Nahagkan ko pa siya sa kagustuhang iparamdam ang lubos kong pasasalamat