Wednesday, July 9, 2008

MUSCAT, OMAN

Mabuhay, mabuhay! Muli akong nagbabalik mula sa matagal na pagkalugmok dahil binatikos ng isang beteranong manunulat ang espasyo kong ito sa internet. Mamatay siya sa inggit! Kahit pa wala ako kasanayan sa pagsulat, aba, bahala na, blog ko naman ito!!!!!!



Tanang madla, welcome to Muscat, Oman! Panibagong tatak na naman sa aking pasaporte, yikeee!


Ipinapakilala ko si Karina De Mesa, a.k.a. King, Kingkong, Kingkong Matsing... Apat na taon kaming magkakulitan sa kolehiyo, duun sa binabahang unibersidad namin sa Espanya. Duun kung saan kundi ako sinagip ng isang pinaniniwalaan kong law student ay naanod na siguro ako ng baha o nahulog sa manhole (at hindi ninyo na masisilayan pa ang marikit na dilag na ito, ehem)...Duun kung saan, pareho naming kinasusuklaman si mister errr... accounting, at kung saan tinutulugan niya ang klase ni ma'am _ _ _ _ _(sssshhhh...sikreto, walang clue- complacent!)at kung saan trip namin makinig kay ma'am Bau dahil simple lang, cool siya, magaling, PERIOD. Mabilis lumipas ang mga pahina ng kalendaryong intsik namin. Apat na taon na pala ang nagdaan mula nung aming pagtatapos. Naisip naming dalawa, buti na lamang at salamat sa Diyos, maayos naman ang naging kinahinatnan naming lahat. Teka, salamat sa lahat King, ni isang kusing o baisa ay walang dumungaw sa lukbutan ko, oh well, maliban na lamang sa huling umaga nating magkasama...



Kailangan daw kuhanan ng larawan ang animo'y piramideng ito sa Ruwi...
Meet Mikki, old pal sa PAGS... Sa Noodle House ito, naalala ko pa nga ang malungkot kong kaarawan sa Dubai, duun din kami kumain, huhuhu

Sa bahay ni mami Corazon, salamat po sa malugod ninyong pagtanggap...


Cheers mehn! Tequila yata yan at hindi tinatanggihan ang tomahan kahit pa estranghero lang kami! Mas superb si Camino keysa kay Jose!

Ang stiff ni Mikki nun, namamahay daw neh! O malakas lang ang sipa ng Red Horse?

Teka Mits, nakailan ka na ba? Iba na titig mo sa camera ah!

Eto ang mas matindi ang tama! shet hot mommah! uhlahlah! The thongs!!! and the butterfly tattoo!!!

aaaawwwwwwwww!!!

Babalik ako!!! Sa Salalah o sa Musandam ang tuloy natin sa susunod, let's see the biatches!!!!davah Anna??? Salamat sa toilet! No spill naman ako!

Matapos ang anim o pitong shot ng Camino, yun na ang di ko malilimutan sa tanang buhay ko! Wala naman akong ginawa sa toilet ni Anna at naakay ko pa naman ang sarili ko patungo sa pangatlong palapag ng balay ni King. Ito lamang naman ang unang pagkakataon na halos hagkan ko na ang toilet bowl sa kasilyas nila King dahil sa tindi ng tama ng alcohol na tinoma ko. Kulang na nga lamang ay magpalit kmi ng mukha ng toilet bowl sa kagustuhan mailabas ang lahat ng ipinasok kong likido sa katawan ko. Shet!!!

Yan ang hangover! Ang sagot sa sikmurang kahit baligtarin ko ay 'di ko pa rin mawari...Kape lang daw yan! Kape lang nga at butternut-flavored Dunkin Donut!